Suntok para sa ginto!

Arthur James M. Feriol (MSHS) Feb 17, 2017
 
 

Humahagupit na simula ang pinakita ng pambato ng Pasay na si James Kenneth Bautista matapos hambalusin ang panimulang counterpunch ng batang si Jaymar Badiola ng Mandaluyong at iuwi ang gintong medalya sa Finals ng School Boys Boxing Regional Meet 2017 na ginanap sa Marikina Freedom Park kanina. 

Sinundan naman ito nina Andrei Laron ng Taguig at Pateros at John Christian Esco ng Mandaluyong na kapwa nakakuha ng tansong medalya. Nagpakitang gilas din ang panlaban ng Mandaluyong na si B-boy Cenita ng Mandaluyong ng School Boys at Glenn Dumam-ag ng Junior Boys na parehong nakasungkit ng gintong medalya. Hindi nagpadaig at nagpatinag ang batang si Kenneth Alquiza ng Muntinlupa matapos bugbugin at lamapasuhin ang matinin na kalaban na si Chamel Puray na nagmula sa Pasay. Ang mga sinabing nanalo ng gintong medalya ay ang magrerepresenta para National Capital Region sa Palarong Pambansa 2017 na gaganapin sa Antique.