Ang Alternative Learning System ay libreng edukasyon para sa lahat. Ito ay programang para sa mga Pilipinong hindi marunong magsulat at magbasa o kaya'y hindi nakatapos ng pag-aaral.
ALS BLP Program (Basic Liretacy Program)
Ang BLP ay isang programa ng ALS kung saan kayo ay tuturuan kung paano MAGSULAT, MAGBASA, at MAGCOMPUTE ng mga simpleng problema sa Matematika na magagamit sa pangaraw-araw na buhay.
ALS A&E Program Elementarya at Sekundarya
Kung kayo naman ay hindi nakatapos ng pag-aaral, pwede kayong pumasok sa programang ito.
Sa programang ito, kayo ay:
pwedeng mamili ng oras o araw kung sakaling meron na kayong trabaho o kaya ay tumutulong sa magulang sa paghahanap-buhay
tuturuan ng mga subjects na katulad ng tinuturo sa mga paaralan
magiging handa sa pagkuha ng accreditation and Equivalency (A&E) Test
Ang mga pumapasa sa A&E Test ay binibigyan ng Diploma at Certificate of Rating.
ALS Activities
Livelihood Training
Sa pag-enrol sa ALS, may pagkakataong makasama sa iba't ibang gawain.
ALS Sports Festival
Layunin ng mga gawaing ito ang mailabas ang angking galing ng mga learners sa larangan ng sports at ang pagkakaroon ng kaalaman at kahusayan sa pangkabuhayang gawain.
ALS Quiz Challenge
Ang ALS Quiz Challenge ay isang gawain upang linangin ang kaalaman ng mga learners sa iba’t ibang subjects o Learning Strands.
ALS Graduation
Ang ALS graduation ay ginaganap upang parangalan ang mga learners na nakapasa sa A&E Test.
at kahit anong edad na hindi marunong bumasa at sumulat para sa Basic Literacy Program (BLP)
Magdala ng alinman sa mga sumusunod:
Photocopy ng NSO Birth Certificate
Barangay Certificate
Voter's ID
Kung kayo ay interesado at may mga gusto pang malaman tungkol sa mga programa ng ALS, maaaring tawagan ang mga sumusunod na ALS Facilitators at Coordinators:
Mr. Angelo Libuton - 09202431900 / 9414473 (Concepcion Elementary School)